PATONG-patong na kaso ang isinampa ng mga deboto ng Nazareno laban sa drag performer na si Pura Luka Vega dahil sa pambababoy umano nito sa imahe ng poon.
Ayon sa mga miyembro ng Hijos del Nazareno, dapat bigyan ng leksyon ang mga kagaya ni Pura Luka (Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay) na lumalapastangan sa Panginoon.
“Para hindi na rin siya pamarisan ng iba,” ani Val Samia, presidente ng Hijos del Nazareno Central.
Nagtungo si Samia at iba pang “hijos” sa Manila Prosecutor’s Office nitong Huwebes para ihain ang mga kasong paglabag sa Revised Penal Code, Article 201 (2)(b)(3) at 201 (2)(3)(5) in relation to Section 6 at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kay Pura Luka.
Ayon kay Samia, sobra silang nasaktan nang masaksihan ang video ng LGBTQ member na nili-lipsych ang rock version “Ama Namin” habang naka-bihis ng Nazareno.
Ang Hijos del Nazareno Central ay ang alyansa ng mga deboto ng Black Nazarene sa Pilipinas.