Puno bumagsak sa riles, operasyon ng LRT-1 limitado ngayon Biyernes

NAG-ABISO ang Light Rail Manila Corp (LRMC) na limitado ang operasyon ng Light Rail Transit 1 ngayong Biyernes mula Central Terminal sa Manila hanggang Fernando Poe Jr. sa Quezon City at vice versa.

Ito ay bunsod sa bumagsak na puno sa pagitan ng Libertad at Edsa Station sa Pasay city, at ngayon ay tinitingnan pa kung ano ang epekto nito sa catenary facilities.

“A thorough inspection of all LRT-1 stations and tracks is also being conducted to ensure the safety of everyone,” ayon sa LMRC.

Pinaiksi rin ang operasyon ng LRT-1 nitong Huwebes ng gabi dahil sa nasabing insidente bunsod ng epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.