Pulis patay sa Pampanga encounter; 2 kinidnap na Chinese na-rescue

NASAWI ang isang pulis habang isa pa ang nasugatan sa operasyon sa Pampanga na nagresulta sa pagkaka-rescue sa dalawang Chinese national na kinidnap.

Arestado rin ang dalawang Chinese na suspek sa isinagawang operasyon sa Angeles City.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group matapos ang impormasyon na ibinigay ni China’s Police Attache Zheng Zhue hinggil sa kidnap-for-ransom case na kinasasangkutan ng mga Chinese national sa Makati City nitong Agosto 3.

Dinala ang dalawang biktima sa Angeles City at humingi ng P8 milyong ransom.

Alas-2 ng hapon ng nasabi ring araw nang ikasa ang operasyon a ni-raid ang saehouse ng mga suspek na sina Hu Kai at Ryu Don.

Nakipagbarilan pa ang mga ito sa mga pulis at ikinasawi naman ni Staff Sgt. Nelson Santiago, at pagkasugat naman ni Chief Master Sgt. Eden Accad.