Site icon Pinoy Publiko

Pulis na nabukulan ni Honeylet hindi na magsasampa ng kaso

WALA nang balak sampahan ng kaso ng babaeng pulis ang common-law-wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña na namukpok ng cellphon sa kanyang noo sa gitna nang matensyong police operation noong Marso 11.

Ayon sa babaeng police officer na hindi na rin pinangalanan, hindi na siya magsasampa ng kaso laban kay Avanceña dahil bahagi na raw umano ito ng kanilang trabaho.

Samantala, inanunsyo naman ni Maj. Gen. Nicolas Torre III, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group na bibigyan ng Medalya ng Sugatang Magiting ang babaeng opisyal na miyembro ng Special Action Force.

Bukod dito, bibigyan din ito ng three-day leave para makapagpagaling sa kanyang sugat bunsod sa pag-atakeng ginawa rito ng partner ng dating pangulo.

Una nang ikinonsidera ng PNP na sampahan ng kasong direct assault si Avanceña matapos ang girian sa VIP lounge ng Kalayaan Hall sa Villamor Air Base habang hinihintay ang pag-transport kay Duterte sa The Hague, Netherlands para humarap sa International Criminal Court.

Ang babaeng police officer ay bahagi ng PNP team na umaresto kay Duterte.

Exit mobile version