Publiko ipinagtanggol si Diwata sa bashers

DINEPENSAHAN ng publiko ang streetfood sensation na si Diwata sa mga content creators na pinipintasan ang lasa ng itinitinda nitong pagkain.


Isa sa mga tinarget ng netizen ay si “H. Hussein” na sinabi sa kanyang “honest review” sa TikTok na lasang sunog ang kaldereta at walang lasa ang fried chicken ng Diwata Pares Overload.


Bukod sa pagkain, pinuna rin ni “H. Hussein” ang isang tauhan ni Diwata na inakusahan siyang hindi nagbayad sa inorder na pagkain.


Naitindihan ng netizens na iba-iba ang panlasa ng pagkain ng mga tao pero pinunto nila na dapat ay kinontrol na lang ni “H. Hussein” ang inis sa staff at kinimkim ang komento sa pagkain.


“Iba-iba tayo ng taste & since di ko pa na-try ‘yang binili mo, I won’t invalidate your dissatisfaction. However, I don’t think it’s necessary na iparinig mo pa sa ibang customers ‘yong saloobin mo. A little respect to the owner & his staff won’t hurt,” sabi ng isang X user.


Nanawagan din ang publiko sa mga bloggers na patahimikin na si Diwata at pabayaan na lang ito na makapagtrabaho nang maayos.


“Maawa naman kayo kay Diwata, hindi na makapag-focus sa negosyo niya dahil araw-araw niyo na lang kino-content. Masyado niyo nang ginagatasan ang paresan niya e, may nakita nga ako na vlogger na halos si Diwata na lang ang content eh kasi consistent ang views,” sey ng isa pang X user.


Sinisi rin ng netizens si “H. Hussein” sa pag-eexpect nito nang sobra sa mga inihahaing pagkain ni Diwata.
“It’s on them for getting hyped up about it too much. At para talaga ‘yung pagkain sa gusto masulit ‘yung pera nila at mabusog sa kakarampot na sweldong meron sila,” sabi ng isa.


Segunda ng isa pang netizen: ‘For 100 pesos na unli rice, unli sabaw, with softdrinks? Ang taas ng entitlement ha. Leave Diwata alone. Kayo tong nakiki-hype, kayo pa galet. Hayaan niyo siya magnegosyo at gumawa ng kultura sa lugar na yan. Hindi naman yan para sa inyo.”


Hindi naman apektado si Diwata sa mga nagsasabi na ginagawa siyang gatasan para sa content ng mga content creators.


“Hindi ko iniisip na ginagawa nila akong gatasan kasi sa una pa lang, wala naman silang hinihingi sa akin na pera. Bagkus, nakakatulong pa sila sa akin para i-vlog, para dumami ang mga customers,” aniya.