SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na hati ang publiko sa isyu ng Maharlika Investment Fund.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Marso 26 hanggang 29, 2023, 20 porsiyento ng Pinoy ang nagsabi na may sapat silang kaalaman kaugnay ng Maharlika Wealth Fund.
Samantala, 33 porsiyento naman ang nagsabi na konti lamang ang kanilang nalalaman sa Maharlika Wealth Fund at 47 porsiyento ang nagsabi na wala silang alam sa isyu.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondent sa buong bansa. Nakatakda nang pirmahan ni Pangulong Marcos ang Maharlika Investment Fund.