DINOBLE ng Department of Education ang vacation leave credit ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Ito ay matapos pirmahan ni DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang DepEd Order No. 13 series of 2024 nag-uutos na gawing 30 araw ang vacation leave credits ng mga guro mula sa kasalukuyang 15.
“The revised order now entitles incumbent teachers with at least one year of service, as well as newly hired teachers appointed within four months after the start of classes, to 30 days of VSCs annually. Additionally, newly hired teachers whose appointments are issued four months after the start of classes will receive 45 days of VSCs per year,” ayon sa kalatas ng DepEd.
Ayon sa DepEd, ang vacation leave credits na nakukuha ng mga guro ay kadalasang ginagamit tuwing summer vacation, tuwing Pasko, weekends at holidays, at kabilang na rin ang teaching overload.
Sa bagong guidelines, papayagan na ang mga guro na i-offset ang mga “absences due to sickness or personal reasons or to recover salary deductions during vacation periods.”