Provincial bus pwede sa Eda mula Dis. 20 hanggang Enero 2

PAPAYAGAN ang mga bus na bumiyahe sa Edsa ang mga provincial bus simula Disyembre 20 hanggang Enero 2 dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero na uuwi ng mga probinsya ngayong kapaskuhan.

Simula Dis. 20 hanggang 25, papayagan sa Edsa ang mga bus mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Sa Dis. 26 hanggang Enero 2, pwede silang bumiyahe sa Edsa ng 24 oras.

May 2,100 provincial bus ang makikinabang sa nasabing holiday traffic scheme.