Presyong ginto pa rin: Kamatis ibinibenta ng P200-P260 kada kilo sa Metro Manila

PAANO na ang ginisa kung walang kamatis?

Marami ang nagulat sa presyo ng kamatis ngayon na nasa P200 hanggang P260 ang kada kilo.

Gayunman, sinabi ng mga nagtitinda sa ilang malalaking pamilihan dito sa Metro Manila, mas mababa na umano ito kumpara sa dating presyo nito na P320 hanggang P350 noong nakaraang holiday season.

Sa Balintawak market, umabot sa P200 ang kada kilo ng kamatis na galing ng Nueva Ecija.

Nasa P260 naman ang presyuhan ng kamatis na galing ng Nueva Vizcaya sa Nepa Q-Mart habang sa Munoz market ay nasa pagitan ng P200 hanggang P260 ang presyo ng kamatis.