Presyo ng sibuyas lalo pang sisipa sa harap ng kakulangan sa suplay

NAGBABALA si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo na lalo pang sisipa ang presyo na sibuyas sa harap ng kakulangan nararanasan sa bansa.

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni So na inirekomenda na niya noong isang buwan ang pag-aangkat ng puti at pulang sibuyas, bagamat hindi ito pinakinggan ng Department of Agriculture (DA).

“Mas prefer natin sa merkado may mabiling murang sibuyas. Ibig sabihin may kakulangan talaga,” sabi ni So.

Idinagdag niya na noon pang Nobyembre nasa kritikal na ang suplay ng sibuyas sa mga cold storage facilities.

‘Yung inventory ng ating pulang sibuyas, talagang mababa na. Kung nakikita natin, tinatanggal na ang outer later, ibig sabihin, yung iba umpisa nang nasisira. So dapat talaga mag-angkat tayo ngayong buwan na ito,” dagdag pa ni So.

Sinabi ni So na kailangang mag-angkat ng 7,000 metric tons ng puting sibuyas at 7,500 metric tons ng pulang sibuyas.

Base sa monitoring ng DA, umaabot na ang presyo ng sibuyas mula sa P260 hanggang P300 kada kilo.