INALMAHAN ng Gabriela party-list ang panibagong taas-presyo sa sardinas at noodles.
Sinabi ni Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na inaprubahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kaso ng kagutuman.
Idinagdag ni Brosas, ang bagong taas-presyo ay taliwas sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na tatapusin ang kagutuman sa bansa.
Batay sa ulat, aprubado ang 3% hanggang 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba pang konsiderasyon.
Ani Rep. Brosas, dagdag dagok ito sa mga mahihirap na umaasa lang sa de lata at noodles para maitawid ang gutom ng kanilang mga pamilya.