MAGPAPATUPAD ng dagdag bawas ang mga kumpanya ng langis sa Martes kung saan inaasahang tataas ang presyo ng gasolina mula P0.75 hanggang P1 kada litro.
Samantala, may pagbaba naman sa presyo ng diesel mula P0.25 hanggang P0.50 kada litro.
Tataas din ang presyo ng kerosene mula P1.30 hanggang P1.50 kada litro.
Sinabi naman ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad na inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa harap naman ng pagpapatupad ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksyon simula ngayong Nobyembre.
“Ngayon buwan ang hinihintay na actual production cut ng OPEC… magtatanggal ng two million barrel of crude oil,” sabi ni Abad.