UMAKYAT sa P90 ang kada kilo ng kamatis ngayong buwan kumpara sa P50 kada kilo noong nakaraang buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), maliban sa kamatis, na nakapagtala ng pinakamalaking taas-presyo, ay 20 pang produktong agrikultura ang nagmahalan ngayong buwan.
Kabilang dito ang kalamansi (P90 kada kilo mula P60), talong (P60 mula P40) at ampalaya (P60-P80 mula P50).
Napag-alaman na ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng konting supply dahil nagbawas ng tanim ang mga magsasaka sa harap ng mababang presyuhan nito sa merkado nitong mga nagdaang buwan.