MATAPOS ang tatlong linggong sunod-sunod na rollback, mag pagtaas naman sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Marso 25.
Sa magkakahiwalay na abiso ngayong Lunes, sinabi ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT, Seaoil, at Shell, magtatas sila ng P1.10 kada litro sa presyo ng gasolina habang 40 sentimo naman sa kada litro ng diesel.
Inaasahan na magsusunuran din ang ibang oil firms.
Sa price adjustment noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang year-to-date net increase sa gasolina at diesel ay nasa P2.15 at P2.85 kada litro, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, aabot naman sa 70 sentimo ang ibaba ng presyo ng kerosene.