MATAPOS ang dalawang linggong sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, tataas naman simula bukas, Set. 24, ang presyng gasolina ng P1.10 kada litro at 20 centavo naman sa kada litro ng diesel.
Wala namang pagtaas na mangyayari sa presyo ng kerosene o gaas, ayon sa abiso ng Shell, Seaoil, CleanFuel at Petro Gazz.
Asahan din na susunod ang ilang kompanya sa dagdag presyo.
Sinasabi na ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng external factors gaya ng US Fed Reserve’s “aggressive” interest rate cut at ang patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Sa recod, ang year-to-date net increase sa presyo ng gasolina ay P4.85 kada litro habang P1.75 sa diesel at P6.35 naman sa kerosene.