TUMAAS ang presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan dahil sa pagsipa ng farm inputs at production costs, ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFP).
Ngayon ay nasa P320 hanggang P350 ang kada kilo ng karneng baboy.
Ayon kay PPFP president Rolando Tambago, pumalo ang farm-gate price ng baboy sa average na P210 per kilo o karagdagang
P120 hanggang P150 per kilo sa farm-gate price.
Bunsod ang pagtaas, dagdag ni Tambago, sa lumaking na gastos sa farm inputs at transportation cost.
“Logistics and inputs are the problem, that’s why the price of pork is higher,” aniya.
Iminungkahi ni Tambago sa pamahalaan na pag-aralan ang gap sa pagitan ng mga sakahan at retailers upang walang magmanipula sa halaga ng karne ng baboy dahil sapat naman aniya ang suplay nito sa bansa.