Site icon Pinoy Publiko

Presyo ng baboy bababa ng P10-P20 kada kilo ngayong Marso, ayon sa DA

Presyo ng baboy tumaas ngayong Marso 23.

UMAASA na ang Department of Agriculture na bababa sa kalagitnaan nitong Marso ang presyo ng baboy.

Sa panayam, sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na unti-unti nang mararamdaman ang pagbaba ng presyo ng baboy sa merkado na umabot nang hanggang P480 kada kilo noong nakaraang buwan.

“We can see na bababa. Iyong last na agreement ng pag-uusap ng agri stakeholders sa hog industry na dapat bumaba ang presyo,” ayon kay de Mesa.

Anya, posibleng bumaba mula sa P10 hanggang P20 ang presyo ng kada kilong baboy.

Base sa monitoring g DA Bantay Presyo, as of March 4, ang prevailing price ng pork liempo sa Metro Manila aya nasa P450 kada kilo habang P380 naman ang pork kasim.

“Mayroon nang nakikita na pagbaba. Actually, una sa farmgate natin, tumaas iyan ng PHP250 to PHP260/kg. Now we are seeing PHP220, PHP230. Ang maximum siguro natin PHP240,” dagdag pa ni de Mesa.

Exit mobile version