UMABOT na sa P100 kada kilo ang presyo ng asukal sa lokal na pamilihan, ayon sa pinakahuling pagmomonitor ng Department of Agriculture (DA) ngayong Huwebes, Agosto 4, 20220.
Base sa monirong ng DA, ibinibenta na ang asukal hanggang P100 kada kila sa Munoz Market at MEGA Q Mart sa Quezon City, Pasay City Market, at Malabon Central Market sa Malabon City.
Sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Herminigido Serafica na aabot na lamang sa Agosto 19, 2022 ang suplay ng asukal sa bansa.
Nauna nang sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na nakatakdang makipagpulong ang kagawaran sa mga stakeholder kaugnay ng posibleng pag-aangkat ng asukal sa ibang bansa.