SINABI ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na inaasahang bababa ang presyo ng puting asukal matapos ang pagkakadiskubre ng libo-libong sako ng asukal sa mga bodega sa Bulacan at Pampanga.
Sa isang press conference, sinabi ni Panganiban na magpapatuloy ang ginagawang raid sa mga bodega ng asukal hanggang Visayas at Mindanao.
“Bababa ng P60 hanggang P65 kasi marami nang suplay,” sabi ni Panganiban.
Idinagdag ni Panganiban na maiimpluwensiyahan din ng P70 kada kilo ang bentahan sa mga palengke matapos pumayag ang mga malalaking supermarket na ilagay ang suggested retail price ng asukal sales na saving halaga.
Sa kasalukuyan, umaabot pa ng P100 kada kilo ang bentahan ng puting asukal sa mga palengke sa Metro Manila.