Presyo ng asukal bumaba

INANUNSYO ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na bumaba ang presyo ng asukal sa bansa bunsod ng sapat na suplay ng raw at refined sugar.

“Harvest season pa po ngayon. So sa presyohan po, yung presyo sa farmers natin tumaas siya and nasa level siya more or less the same as last year at the same time po,” ayon kay SRA Administrator Pablo Luiz Azagona.

Dahil dito ang washed sugar ay P76 na lang ang presyo kada kilo habang P86 naman ang kada kilo ng refined sugar.