BUMABA sa kanyang pwesto bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na si Paul Gutierrez matapos sulatan ni Executive Secretary Lucas Bersamin si Justice Secretary Crispin Remulla na “expired” na ang panunungkulan nito sa nasabing posisyon.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office Sercetary Cesar Chavez na wala na nga sa pwesto Gutierrez, na una nang idinawit sa P11 bilyong “shabu” shipment noong 2018.
Sinabi rin ni Chavez na kumpirmado ang sulat ni Bersamin na may petsang Sept. 12 hinggil sa “expiration” ng tenure ni Gutierrez sa nasabing pwesto.
Ayon pa sa sulat ang “expiration” ng tenure ni Gutierrez “shall take effect immediately.”
Sinabi ni Chavez na wala pang kapalit si Gutierrez sa PTFoMS.
Nagpasalamat naman si Gutierrez sa administrasyong Marcos “for the opportunity to serve under his administration even for the brief duration of one year and 14 weeks.”
Naupo si Gutierrez noong Mayo 25, 2023.
Matatandaan na sa isinagawang pagdnig ng Quad Committee ng Kamara kaugnay sa drug war ng nakaraang administrasyon, sinabi ng dating intelligence agent ng Bureau of Customs na si Jimmy Guban na binantaan siya diumano ni Gutierrez na huwag papangalanan ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte, mister ni Vice President Sara Duterte na si Maneses Carpio at dating economic adviser Michael Yang sa nasabing 2018 shabu shipment scandal.
Mariin namang itinanggi ni Gutierrez ang mga nasabing paratang.