BINALAAN ng Department of Agriculture (DA)ang mga nagtitinda ng baboy na mahigit sa P450 hanggang P480 per kilo sa mga merkado.
“Sisitahin na namin at mag-iikot kami nang marami, pupuntahan namin iyong mga lugar na merong ganito katataas,” ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa.
“Ito talaga ay hindi pwedeng manatili iyong ganitong presyo,” dagdag nito.
Anya, hindi makatarungan ang presyong ito na sinang-ayunan din ng farmers’ group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).
“Right now we can say iyong P450 to P480 talagang out of the question na sobra-sobra iyan,” ayon kay SINAG executive director Jayson Cainglet.
As of Feb 15, ang presyo ng pork liempo sa Metro Manila ay nasa pagitan ng P380 hangang P480 kada kilo habang P350 hanggang P420/kg. naman sa pork kasim, ayon sa DA Bantay Presyo.