NAKA-10 taon na bilang lider ng Simbahang Katolika si Pope Francis nito Lunes.
Bilang pagdiriwang, isang Misa ang ginanap ng mga cardinal sa chapel ng Vatican’s Santa Marta hotel kung saan nakatira si Francis simula nang kanyang pagkakahalal.
Ang 86-year-old na si Francis na mula sa Argentina ang pumalit kay Pope Benedict XVI matapos magbitiw.
Kasabay ng selebrasyon ng kanyang ika-10 taon bilang pope, isang podcast din ang iniere ni Francis.
“It seems like yesterday,” ayon kay Francis sa podcast ng Vatican News broadcast nitong Lunes. “Time flies. When you gather up today, it is already tomorrow.”