Pokwang inalmahan TikToker na nanlait sa sardinas; sinaluduhan ng publiko

HATS off ang publiko sa komedyanang si Pokwang makaraan niyang punahin ang isang content creator na nandiri sa sardinas.

Sa isang Instagram video, niratrat ni Pokwang ang hindi pinangalanang TikToker na inilarawan niya na maarte.

“Walang problema kung ayaw mo sa isang pagkain pero yung umarte ka at umasta na para bang diring diri ka sa uri ng pagkain na yun lang ang kaya ng karamihan sa ting kababayan, napaka insensitive mo ha,” ani Pokwang.

“Mga tao talaga ngayon makagawa lang ng content kahit mawalan na ng pusong tao walang pakialam for the views!!!!! Very evil!!! may kabayaran lahat yan hindi pa ngayon pero binibilang ni God yan pati mga panglalalit nyo,” dagdag niya. “#Umayonsaitsuraangkaartehan.”

Sumang-ayon naman ang publiko kay Pokwng.

“Mamang Pokwang is always real… I also watched that vlogger—bearded, acting so high and mighty, but looks so poor. Thank goodness for Mamang Pokwang, showing us that sardines are delicious and shouldn’t be looked down upon. Long live, Mamang Pokwang!”

“I love Sardines made in Pinas, ansarap lalo ung may tomato sauce then lagyan Calamansi or yung Hokkaido na ginisa sa bawang sibuyas and vinegar. Ansarap nun.”

“Ang arte naman yung minamaliit ang sardinas, ignorante, di yata alam ang health benefits, nirekomenda nga yan ng doktor ng biyenan ko sa kanya na kumain nyan kase maganda sa heart, maganda din daw sa para kahit tumatanda na, di agad-agad mag-uulyanin, kahit sa buntis malaki ang benepisyo nya. May mai-content lang kahit magmukhang shunga.”