TIWALA si Senador Grace Poe na hindi matatapos ang kasalukuyang Kongreso nang hindi naisasabatas ang kanyang isinusulong na revised Animal Welfare Act.
Bago pa mag-adjourn ang Senado noong isang linggo, ipinasa sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 2458 o revised Animal Welfare Act na siyang tutuldok sa kalagim-lagim na sinasapit ng mga hayop bawat araw.
“I now call on this chamber: Let us act with compassion and urgency. By passing the Revised Animal Welfare Act, we take a firm stand against cruelty and ensure that every animal in our country is treated with the care and respect it deserves,” hirit ni Poe sa kanyang sponsorhip speech noong Martes.
“They say a dog is a human’s best friend. Well, before this Congress adjourns, let’s make it clear—humans are a dog’s best friend, too. And not just dogs but all other animals,” dagdag pa ni Poe.
Pitong aso ang alaga ng pamilya ng senador.
Sa kanyang isinusulong na revised Animal Welfare Act of 1998, hinihiling ng panukala na paigtingin pa ang batas na magbibigay ng dagdag proteksyon sa mga hayop.
“We need a revised law, with stronger fangs if we may say,” ayon pa kay Poe habang inisa-isa ang ilan sa mga kasong pang-aabuso na dinanas ng mga hayop.
“Hindi lang ito simpleng mga kwento. Patunay ito ng mga kakulangan sa ating batas at sistema,” anya.
Sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo, naniniwala si Poe na makakapasa ito sa third at final reading at maging sa bicameral conference bago ito tuluyang mapirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos.