DAPAT pagtuunan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda na silang nagdadala ng pagkain sa hapag-kainan ng bawat mamamayang Pinoy.
Sa kanyang press statement, sinabi ni Poe na dapat pagtuunan ni Laurel ang pangmatagalang programa na magpapataas sa produksyon sa agrikultura at mangangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka.
“Our hardworking farmers and fishers who bring food on the table must not go hungry and must not remain poor,” pahayag ni Poe.
Umaasa ang senador na gagamitin ng bagong kalihim ang kanyang malawak na karanasan at kaalaman bilang negosyante na titiyak sa kapakanan ng sektor na kanyang pagsisilbihan upang matugunan na rin ang malalim na problema ng ahensiya.
Ganon din anya, umaasa siyang palalakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga smuggler, hoarder at price fixers.
“As the first order of the day, we hope the new DA chief would take to heart the President’s warning in his SONA against smugglers, hoarders and price fixers,” ani Poe.