UMAASA si Senador Grace Poe na hindi na muling mauulit ang kapalpakan sa pag-advertise at pag-market ng turismo sa Pilipinas gaya nang nangyari kamakailan na tila na-scam ang bansa dahil sa “Love the Philippines” viral video nito.
“Para tayong na-scam sa advertisement na ito,” pahayag ni Poe matapos ngang mag-viral ang nasabing video kung saan ilang kuha ng mga featured na lugar ay hindi naman talaga sa Pilipinas.
Nauna nang umamin ang DDB Philippines, ang may gawa ng video, na mali ang kanilang ginawa, dahilan para layasan ng Department of Tourism ang kontrata nito sa nasabing ahensiya.
Giit ni Poe, sa paglalabas ng advertisement kailangan ay may katotohanan ito.
“It’s frustrating to know that even the government can fall victim to blunders in marketing campaign that supposedly aims to promote the Philippines’ unique character, natural beauty and cultural attractions,” pahayag ng senador.
“We expect the incident will not happen again, especially to government agencies like the DOT that our people trust,” dagdag pa ni Poe.