MARIING kinondena ni Senador Grace Poe ang pinakahuling insidente ng pamamaslang sa isang miyembro ng media nitong Miyerkules sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Pinaslang ang local radio broadcaster na ni Cris Bundoquin Miyerkules ng madaling araw ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City.
“We strongly condemn this deplorable crime,” ani Poe sa isang kalatas.
“Every media man’s murder is one less truth seeker who helps give information and voice to communities,” pahayag pa ng senador kasabay ang panawagan sa pulisya na magsagawa agad ng imbestigasyon at dakpin ang mga salarin.
“Ending impunity for crimes against members of the media is a way to guarantee freedom of expression and access to information for our people,” dagdag pa ni Poe.
Mariin ding kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines ang pinakabagong insidente ng pag-atake sa press freedom.
Si Bundoquin ang may-ari ng MUX Online Radio at host ng programang “Balita at Talakayan”.