HINDI na dapat hintayin pa ng gobyernong may magbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa mula sa agresibong pambu-bully ng China sa West Philippine Sea bago pa kumilos ito.
“Hihintayin pa ba natin na may Pilipinong magbubuwis ng buhay sa pagtatanggol sa ating teritoryo?” pahayag ni Senador Grace Poe hinggil sa pinakahuling bullying incident ng China Coast Guard sa Pinoy troops sa Ayungin Shoal na nagresulta sa pagkasugat ng ilang sundalo, ang isa ay naputulan pa ng daliri.
Kinondena rin ni Poe ang ginawa ng CCG nang sumampa ang mga ito at inpeksyunin ang resupply vessel ng mga Pinoy na magtutungo sa BRP Sierra Madre nitong Lunes.
Binunggo rin ng CCG ang mga resupply vessel ng Pilipinas na ikinasugat ng Navy personnel.
“We strongly deplore the latest harassment by the Chinese Coast Guard in the West Philippine Sea that reportedly injured our soldier,” ani Poe.
“China’s aggressions in our seas have reached a reprehensible new high, damaging our boats and inflicting harm on our people,” dagdag pa nito.
Dahil dito, dapat na umanong hingin na ng Pilipinas ang tulong ng mga kaalyadong bansa nito para mapatigil ang ginagawang pambubully ng China.
“China’s bullying and dangerous acts must stop,” pagdidiin pa ni Poe.