NAGKAROON ng tensyon sa harap Kingdom of Jesus Christ compound sa Sasa, Davao City umaga ng Lunes nang dumating ang mahigit 100 pulis upang isilbi ang warrant laban sa lider nito na si Apollo Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong abuse at human trafficking sa mga korte sa siyudad at sa Pasig City.
Hindi pa malinaw kung search warrant o arrest warrant ang isinilbi ng pulisya.
Hinarangan naman ng mga tagasuporta ng pastor ang gate ng compound.
Isa sa mga ito ang gumamit ng megaphone para ipagtanggol si Quioboloy sa kinahaharap sa isyu.
Kapwa itinatatanggi ni Quiboloy at ng mga tagasuporta ang alegasyon ng sexual abuse at trafficking sa pagsasabing ginawa lang ito ng mga dating miyembro na may galit sa grupo.
Nagawa namang makapasok ng mga PNP personnel, kabilang ang ilan na sakay ng helicopter, sa compound pero wala pang iniulat kung ano ang natagpuan nila sa loob.