HUMINGI ng paumanhin si Quezon City Police District director Col. Redrico Maranan sa pamilya ng namayapang aktor na si Ronaldo Valdez kaugnay ng palpak na paghawak ng pulisya sa kaso.
Sagot ito ni Maranan sa hiling ni Janno Gibbs, anak ni Valdez, na public apology mula sa pulisya sa pagkalat online ng video ng insidente.
“Tayo ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs, maging sa kanilang mga kaibigan, dahil doon sa, sabihin na natin na sakit, na naidulot noong paglabas ng video sa iba’t-ibang social media platform kung saan ay involved ‘yung isang pulis natin na kumuha ng video,” ani Maranan.
Inilahad din ng opisyal na nagkausap na sila ni Janno sa telepono matapos ang ipinatawag na press conference ng singer-actor. “Doon ay naipahatid ko personally ‘yung aming paghingi ng paumanhin,” dagdag ng opisyal.