SINABI ng Philippine National Police (PNP) na wala pa itong kumpirmadong impormasyon hinggil sa diumano’y inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Duterte, ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na sakaling may inilabas na ngang arrest warrant at humingi ng tulong ang International Criminal Police Organization’s (Interpol) para maipatupad ang pag-aresto, ay gagawin nila ito.
Ito ay dahil miyembro ang PNP ng Interpol at “duty-bound” ito para makipagtulungan sa international police body.
“Dadaan tayo sa proseso. Kung meron pong hihingin po na tulong ‘yong ating Interpol, the PNP has a legal obligation to reciprocate ‘yong courtesy na ibinibigay po sa atin ng Interpol,” ayon kay Fajardo.
Umugong ang balita na umalis ng bansa patungong Hong Kong si Duterte nitong Marso 7 matapos matunugan ang balitang ilalabas na ng ICC ang arrest warrant laban sa kanya.