INIUTOS ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na muling buksan ang imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa kay retired general at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.
Sa isang kalatas, sinabi ni Marbila na kailangang magsagawa ng bagong imbestigasyon matapos ang rebelasyon ng isang key witness sa pagdinig sa Kamara kamakailan.
“This revelation demands a thorough reinvestigation of the murder. No one is above the law, and we will seek justice for retired general Wesley Barayuga and his family with the full resources of the PNP,” ayon kay Marbil.
Sa isinagawang pagdinig ng Quad Committee sa Kamara, itinuro ni Lt. Col. Santie Mendoza ng Police Drug Enforcement Group si dating PCSO general manager Royina Garma ang nasa likod sa pagpatay kay Barayuga noong 2020.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Mendoza na kinontak siya ni National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo nont Oktubre 2019 at sinabi nito na siang high-value target si Barayuga dahil sa link nito sa ilegal na droga.
Galing umano kay Garma ang utos na patayin si Barayuga, ayon kay Mendoza na naka-assign noong bilang PNP deputy chief for administration.
Iniutos ni Marbil sa Criminal Investigation and Detection Group na pangasiwaan ang imbestigasyon.
Napatay si Baryuga noong Hulyo 2020 sa Calbayog St. in Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.