APRUBADO na ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Ordinansang magkakaloob ng P2,000 cash gift sa mag-aaral na magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).
Ang bagong cash incentive ay nakapaloob sa Ordinance Number 9068, na ipinanukala ni Manila City Council by Councilor Pamela Fugoso-Pascual at majority floorleader Councilor Ernesto C. Isip.
Ang PLM at ang UdM ay itinatag, pinopondohan at pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Epektibo ang “Taas-Noo Manileño Graduation Gift Ordinance 2024” sa mga nagsipagtapos ng schoolyear 2023-2024.
Ang insentibo, ayon sa principal sponsor na si Fugoso ay bilang pagkilala sa “vital role of the youth in society and nation-building.”
“Both premier universities have produced graduates that have become significant contributors to nation building, bearing the ideals and aspirations of every Manileno,” ayon naman kay Isip.
Ang bawat recipient ay dapat ay enrolled at bonafide Manila resident at mayroong good standing sa UdM o PLM. (Jerry Tan)