HINDI pinayagan ni Pangulong Bongbong Marcos ang planong importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal.
“The President rejected the proposal to import an additional 300,000 MT of sugar. He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” sabi ni Press Secretary Trixie Angeles.
Nauna nang sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica na nakatakdang mag-angkat ng asukal ang bansa para mapababa ang presyo nito.
Umaabot na sa hanggang P120 kada kilo ang presyo ng asukal sa mga palengke dahil sa kakulangan umano sa suplay.