DINEPENSAHAN ng isang abogado si Sen. Robin Padilla sa kanyang panukala na gumamit ng cable cars para maibsan ang trapiko sa Metro Manila at iba pang urban areas sa buong bansa.
Ani Rudolf Philip Jurado, kaibigan ni Padilla, ang cable car system na sumailalim sa pag-aaral ng Department of Transportation (DOTR) ay inendorso sa National Economic and Development Authority (NEDA).
“Take note that the $100-million Marikina-Ortigas cable car project was approved by the Department of Transportation last year and was sent to NEDA for its approval. This cable car project will ease the traffic in the eastern side of Metro Manila per studies of the DOTR,” paliwanag niya.
Sa ilalim ng panukala ng DoTr, isang cable car system na umaabot sa 4.5 kilometro ang mag-uugnay sa Marikina at Pasig, na may mga hintuan sa ilang bahagi ng Quezon City at Pasig.
Gayundin, sinabi ni Jurado na may basehan ang manifestation ni Padilla dahil nakita niya mismo ang cable car system nang siya ay pumunta sa ibang bansa.
Ang manipestasyon ni Padilla ay matapos magpahayag ng privilege speech si Sen. JV Ejercito tungkol sa pangangailangang palakasin ang ating sistema ng riles.
“It was a spontaneous and impromptu manifestation on the part of the Senator brought about by his knowledge and experience as a foreign traveller,” sabi Jurado.