BUMAGSAK sa pinakamababa niyang halaga ang piso kontra dolyar nitong Biyernes.
Nagsara ang palitan sa P56.77 kada dolyar, mas mababa sa naitalang P56.45 kada dolyar noong Oktubre 2004 kasabay ng pagdedeklara ni dating Pangulong Gloria Arroyo ng fiscal crisis.
Base sa rekord, sa dalawang magkasunod na araw naitala ang mas paghina pa ng piso. Nitong Agosto 31, ang palitan ay P56.145 at tumaas pa sa P56.42 nitong Setyembre 1.
Noong huling araw ng 2021, nagsara ang palitan sa P50.99 kada dolyar.