Pinsan napagtapos ni Maymay sa kolehiyo

TODO-pasalamat ang singer-actress na si Maymay Entrata sa pagtatapos sa kolehiyo ng pinsan niya na si Jap.

Nitong Martes ay ibinandera ni Maymay sa social media na may naka-graduate na rin sa kanilang pamilya.

“Nine years ago I asked my 3 cousins/anak na to help me to break the cycle na walang naka graduate ng University sa pamilya namin. Thank you bray hindi mo sinayang lahat ng pagsisikap ko sa trabaho para mapag aral ko kayo,” ani Maymay sa Facebook post.

Dagdag ni Maymay, wala siyang hinihinging kabayaran sa pagpapaaral niya sa pinsan.

“Lagi mo tinatanong kung ano ang gusto kong sukli sa sakripisyong pag pili kong buhayin kayo magkakapatid, ang masasabi ko lang bray ay wala kang obligasyon na suklian ang pagtulong ko sainyo dahil mahal kita ng walang kapalit, makita ko lang na matupad nyo ang mga pangarap nyo at kaya nyo nang tumayo sa mga sarili nyong mga paa ay sobra pa sa kayaman na meron dito sa mundo bray,” sambit ng Kapamilya star.

“Salamat dahil tinupad mo pangarap mo dahil ang pangrap mo ay pangarap ko din. Isa ito sa napakalaking biyaya at achievement sa buhay ko. May God will continue to give you strength, courage, and wisdom sa panibagong chapter ng buhay mo. All Glory to God kaayo bray, Mahal na mahal kita,” dugtong ni Maymay.