UMABOT na sa P4.47 bilyon ang pinsalang naidulot ng Super Typhoon Egay sa agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Idinagdag ng DA na tinatayang nasa P1.75 bilyon ang pinsala sa mga palayan sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region (Region 1), Cagayan Valley (Region 2), Central Luzon (Region 3), CALABARZON (Region 4-A), MIMAROPA (Region 4-B), Western Visayas (Region 6), Zamboanga Peninsula (Region 9), SOCCSKSARGEN (Region 12) and at Caraga (Region 13).
Samantala, umabot naman sa P1.74 bilyon ang pinsala sa mga maisan. Nasa P296.58 milyon ang pinsala sa high value crops; fisheries, P175.39 milyon; livestock at poultry, P154.27 milyon at irrigation facilities at farm structures, P354.92 milyon.