Pinoy singer Sofronio Vasquez wagi sa The Voice USA

PINOY singer na si Sofronio Vasquez ang tinanghal na champion sa The Voice USA ngayong taon, ayon sa anunsyo ng NBC sa social media Miyerkules ng umaga.

Si Vasquez ang kauna-unahang Asian at Filipino na nanalo sa nasabing kompetisyon.

Sa kanyang finale performance, pinahanga ni Vasquez hindi lamang ang mga hurado kundi ang publiko sa rendition niya sa “Unstoppable” ng singer na si Sia at “A Million Dreams” mula sa pelikulang “The Greatest Showman.”

Ang Canadian singer na si Michael Bublé ang nagsilbing coach ng Pinoy singer ay nauna nang nagpahayag na malaki ang posibilidad na si Vasquez ang tatanghaling champion sa patimpalak.

Nang ideklara ang panalo ni Vasquez, nag-duet sila ni Bublé sa awit na “Who’s Lovin’ You.” 

Bago ang kanyang journey sa The Voice USA Season 26, sumali tin ito sa Tawag ng Tanghalan kung saan ay nasungkit niya ang ikatlong pwesto.