NAGKASUNDO ang US at Japan na mag-organisa ng mga study tours sa mga Pilipinong scientist at engineer para sa operasyon at pangangasiwa ng mga nuclear plants.
Sa joint statement sa trilateral meeting sa Washington DC na ginanap nitong Biyernes, nagkaisa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na panahon para palakasin ang nuclear energy use capabilities.
“Recognizing the Philippines’ request for further training and capacity building for scientists, engineers and relevant personnel and policymakers, our three nations seek to expand our partnership on safe and secure civil-nuclear capacity building,” ayon sa statement.
“Under the Foundational Infrastructure for Responsible Use of Small Modular Reactor Technology (FIRST) program, the United States and Japan plan to co-host a nuclear energy study tour in Japan for nuclear experts and policy decision-makers from the Philippines and other FIRST partner countries,” dagdag ng tatlong lider.
“We also plan to deepen trilateral cooperation on civilian nuclear workforce development through a trilateral dialogue this year, to advance the Philippines’ civil nuclear energy program,” ayon pa kina Marcos, Biden at Kishida.
Matatandaan na nangako si Marcos na pag-aaralan niya ang posibilidad ng paggamit ng nuclear power sa bansa upang mapababa ang power cost at mabawasan ang carbon footprint ng bansa na umaasa lamang sa coal-fired power plants.