SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na tumaas sa 36 porsiyento ang bilang ng mga pamilya na gumagamit ng bisikleta ngayong taon.
Mas mataas ito sa 29 porsiyento na naitala noong 2022, ayon sa SWS.
Naitala rin ng SWS na sa kada tatlong household sa bansa, isa rito ay gumagamit ng bisikleta bilang essential at recreational.
Dagdag pa nito na mas marami na ang gumagamit ng bisikleta kumpara sa mga nagmamaneho ng kotse kung saan aabot sa 4:1 ang ratio nito.
“Cycling for both essential and recreational activities increases with saving on fares and improving health are the main reasons for cycling,” sabi ng SWS.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Marso 26 hanggang 29, 2023, 10 milyon kabahayan ang gumagamit ng bisikleta kumpara sa 7.3 milyon noong Abril 2022.