ARESTADO ang 29-anyos na Pinay na nagtangkang magpuslit sa bansa ng mahigit P24 milyon halaga ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon sa Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes, inaresto ang babae ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa international arrival area ng Terminal 3 pasado alas-8 Huwebes ng gabi, Enero 9, 2025.
Nakuha sa suspek ang may 4.57 kilo ng cocaine, na may standard drug value na PHP24.2 million.
Natagpuan ang droga sa dalawang bag na kanyang bitbit, kasama ang ilang mobile phones, travel documents and ID.
Inaresto siya matapos paghinalaan ang kanyang bagahe nang dumaan ito sa Customs X-ray na kinumpirma ngang may dala itong droga nang isailalim sa K9 inspection.
Base sa kanyang flight details, dumating ang suspek sakay ng Ethiopian Airlines mula Sierra Leone sa West Africa na may connecting flight sa Addis Abab, Ethiopia pauwi with a connecting flight in Addis Ababa, Ethiopia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), and RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).