INAMIN ni dating Agriculture Secretary at ngayon ay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na may kakulangan na rin ng suplay ng asin sa bansa.
Sa isang press conference, sinabi ni Panganiban na sa loob ng 15 taon napabayaan ng DA ang sektor ng gumagawa ng asin.
“Ang laki ng problema sa asin, buhat nang umalis ako 15 years ago, walang programa para maparami ang produksyon kaya nag-iimport ng asin,” sabi ni Panganiban.
Aniya, kabilang na lamang sa mga lalawigan na may produksyon ng asin, bagamat maliliit lamang ito ay Batangas, Cagayan at Mindanao.
“It is a half-billion-peso shortage,” aniya. Nangako siya na tutukan ang produksyon ng asin.