NANAWAGAN ang pamahalan ng Pilipinas para maibsan ang tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs sa nangyayaring girian ng dalawang bansa na nagpapataas ng tensyon sa Middle East.
Ginawa ng DFA ang pahayag matapos ang ginawang paghuli ng Iranian forces sa Portuguese container ship na MSC Aries na inililink sa Israel nitong Abril 13.
Sakay ng nasabing ship ay ang apat na Pilipinong crew.
“We urge all parties to refrain from escalating the situation and to work towards a peaceful resolution of their conflict,” ayon sa kalatas na inilabas nitong Lunes.
“The Philippines has long advocated for all states to adhere to the principles of international law and to the peaceful settlement of disputes,” dagdag nito.