INIHAYAG ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Teofilo Guadiz III ang pagpapalawig sa nakatakda sanang phaseout sa Hunyo 30 ng mga tradisyunal na jeepney hanggang Disyembre 31, 2023.
Sa isang press conference, itinanggi naman ni Guadiz na ginawa ang hakbang sa harap ng nakatakdang isang linggong welga ng mga transport group simula sa Lunes.
Ayon kay Guadiz, ito’y bilang pagtalima sa resolusyon ng Senado na nananawagan sa LTFRB na ipagpaliban ang phaseout.
Iginiit naman ng mga transport group na tuloy ang tigil pasada sa Lunes na tatagal hanggang Marso 12.