PH vessel ‘ni-laser’ sa WPS ng China

NI-LASER ng Chinese vessel ang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea noong nakaraang linggo.

Papunta ang BRP Datu Tamblot sa Pag-asa (Thitu) Island, nang patamaan ito ng “high-intensity laser” ng unidentified Chinese vessel pasado alas-8 ng gabi noong Disyembre 2 sa bisinidad ng Hasa-Hasa (Half Moon) Shoal, may 111 kilometro (60 nautical miles) sa Palawan, ayon sa report ng Philippine authorities.

Anim na beses umanong pinatamaan ng laser ang BRP Datu Tamblot sa loob ng limang minuto.

Nakunan naman ng larawan ng BRP Datu Matanam Taradapit ang ginawang pangha-harass ng barko ng China gamit ang night-vision camera.

“The high-intensity laser was described to be color red, albeit appeared violet in photos and painful to the eyes,” ayon sa report.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Philippine Coast Guard hinggil sa insidente.