KINANSELA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine passport ng dinismis na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo dahil ito anya kinuha “fraudulently”, base sa kanilang imbestigasyon.
Sa inilabas na sertipikasyon ng National Bureau of Investigation noong Agosto 24, ang biometric data ni Guo ay matched kay “Guo Hua Ping”.
Epektibo ang kanselasyon simula pa noong Sept. 30.
“The DFA is committed to upholding the security and integrity of issuing Philippine passports and assures the public that fraudulent application and acquisition of passports are referred to law enforcement agencies for investigation and prosecution,” ayon sa DFA.
“The DFA enforces zero tolerance policy for unscrupulous individuals circumventing the Philippine passport application and issuance procedures,” pahayag pa nito.
Una nang dinismis ng Ombudsman sa pagiging alkalde si Guo at “perpetually banned” na ito para umukopa pa ng posisyon sa pamahalahaan dahil sa grave misconduct bunsod ng kanyang partisipasyon sa ilegal na operasyon ng Philippine offshore gaming operator (Pogo) sa Bamban.
Inihayag kamakailan ng abogado ni Guo na balak ng huli na maghain ng kandidatura para makabalik bilang mayor ng Bamban.