WALANG balak bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng mga bagong rebelasyon hinggil sa war on drugs na nangyari noong nakaraang administrasyon.
Ayon sa Malacanang, hindi babalik ang bansa sa ICC kahit pa na sunod-sunod ang panawagan dito bunsod ng mga rebelasyon ng dating opisyal ng PNP na si Royima Garma at self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa hinggil sa extrajudicial killing na ipinatupad ng nakaraang administrasyon.
Nahaharap si dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pa niyang mga opisyal sa ICC dahil sa madugong drug war.
“The Philippines will not return to ICC,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
“Based on this, the President is not expected to change his mind and not refer the quad comm matter to the ICC.”