Pelikula ni Toni di raw tinatao; kakampink nagpiyesta

HINAHANAP ng mga kakampink ang 31 milyon na Pinoy na bumoto kay Pangulong Bongbong Marcos dahil tila hindi raw sinusuportahan ng mga ito ang pelikula ng inaanak niya na si Toni Gonzaga na “My Teacher”.

Sa katunayan, dagdag nila, mas marami pa ang nanonood sa mga pelikula na mayroong kakampink na bida tulad ng “Partners in Crime” ni Vice Ganda, “Deleter” ni Nadine Lustre, at “Family Matters” ni Agot Isidro.

Komento pa ng mga kakampink:

“Pag kulelat talaga pelikula ni Toni Gonzaga sa MMFF, hindi talaga siya ang Most Powerful Celebrity kuno at iyon ay imahinasyon lamang ng kanyang asawa.”

“Musta na yung “My Teacher” ni Toni? Sablaaaay-Sablaaaaayyy!!”

“Bat di ipakita suporta ng 31M kay Toni Gonzaga. Akala ko ba most powerful celebrity si ate girl. Konting unity naman dyan.”

“Naku alam nio na ang mangyayari sa up coming concert kuno ni most POWERFUL.”